Home NATIONWIDE Diskusyon sa Divorce Bill mainit sa Kamara

Diskusyon sa Divorce Bill mainit sa Kamara

MANILA, Philippines – Dalawang mambabatas ang nagkaroon ng mainitang diskusyon ukol sa legalidad ng Divorce Bill na dinidinig ngayon sa House Plenary.

Sa naganap na plenary discussion iginiit ni CIBAC Party List Rep. Eddie Villanueva na labag sa Konstitusyon ang inihaing Divorce Bill.

“The 1987 Constitution states that marriage is inviolable” giit ni Villanueva.

Katwiran naman ni Albay Rep Edcel Lagman, pangunahing may akda ng panukala, walang nagbabawal sa Konstitusyon na hindi maaaring magpasa ang Kongreso ng Divorce Bill.

“When we say inviolable we set up a standard a norm or prescription it is not cast in stone because despite this provision in the constitution the commissioners said that Congress can pass an absolute divorce law and in fact no less than the constitution does not prohibit Congress from enacting an absolute divorce law,” ani Lagman.

“On the contrary, the members of the constitutional commission of 1986 unanimously agreed under the leadership of the late Fr. Joaquin Bernas that the Congress of the Philippines can enact a divorce law. Consequently, we submit that the enactment of the divorce law is constitutional,” paliwanag pa nito.

Sinabi ni Lagman na napapanahon na ang pagpasa ng Divorce Bill sa harap na rin ng nararanasang pang aabuso sa ilang marriage.

“Matagal na ito hinihintay ng karamihan ng mga mga kababaihan na biktima ng pag-aabuso, pag-aabandona ng kanilang esposo at matagal nang nasirang pagsasama at hindi na pwede maayos,” giit ni Lagman.

Sa kasalukuyan ay tanging ang Pilipinas at ang Vatican Cify ang walang divorce law habang matagal na itong umiiral sa maraming bansa.

Umaasa si Lagman na sa ilalim ng 19th Congress at sa liderato ni Pangulong Bongbong Marcos ay maipasa na ang Divorce Law.

Ang  Philippine Commission on Women ay una nang nagpahayag ng suporta sa pagpasa ng  divorce bill.

Sa oras na maisabatas, ang mga nasa low income ay bibigyan ng tulong para sa pagsasampa ng divorce petition, maari silang makatanggap ng free legal assistance gayundin ay libre ang pagproseso.

Nakapaloob din sa panukala na ang korte ay inaatasan na resolbahin ang divorce petition sa loob mg 1 taon subalit bibigyan muna nito  ng 60 araw ang magkabilang panig para makapag-ayos ngunit mung hindi magkakaayos ay diretso na ang paggulong ng divorce petition. Gail Mendoza

Previous article1 tusta sa sunog sa Malabon
Next articleSquad lider ng NPA arestado