MANILA, Philippines- Pinagtibay ng Commission of Elections (Comelec) en banc ang resolusyon ng second division na idiskwalipika si Legazpi City, Albay Councilor Al Barizo bilang kandidato para sa 2022 elections.
Inihayag ng Comelec en banc nitong Huwebes na ang instant motion para sa partial reconsideration “neither contains any new matters or issues, nor was it able to establish that the assailed resolution was based on insufficient evidence, or that the same is contrary to law.”
Noong Mayo, diniskwalipika ng second division ng poll body si Barizo dahil sa umano’y pakikibahagi sa two-day Tricycle Drivers’ Cash Assistance Payout sa 2022 campaign period.
Sinabi nito na natukoy na lumabag si Barizo sa Omnibus Election Code, na nagbabawal sa paglalabas, pamamahagi o paggastos ng sinumang public official 45 araw bago ang eleksyon.
Nauna nang diniskwalipika sina Albay Gov. Noel Rosal at Legazpi Mayor Geraldine Rosal, kapartido ni Barizo, sa pagkakasangkot nila sa parehong cash aid distribution. RNT/SA