MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Commission on Elections (Comelec) ang isang administrative investigation sa isang election officer sa Aroroy, Masbate dahil sa umano’y kabiguan na tanggalin ang pangalan ng isang disqualified na kandidato sa sertipikadong listahan ng mga kandidato para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa executive session ng poll body nitong Miyerkules, Nobyembre 8 ay nagpakita na si Magdie Moran, Election Officer IV ng Aroroy, Masbate, ay inatasan noong Oktubre 25 na ipatupad ang resolusyon ng Commission En Banc na nagkansela sa certificate of candidacy (COC) ni Aniano Pancho Capinig para sa Punong Barangay ng Barangay Cabas-an.
Diniskwalipika ng Comelec Second Division si Capinig dahil sa naunang paghatol sa paglabag sa Section 31 ng Republic Act No. 10591 o Illegal Possession of Firearms.
Binanggit ni Comelec spokesperson Atty. Rex Laudiangco ang isang bahagi ng resolusyon ng Comelec Second Division na may petsang Oktubre 9 na nagsasabing ang “final judgement of conviction, for which he was sentenced to an offense with a penalty of more than eighteen months, disqualifies him from being a candidate in the 2023 BSKE.”
Gayunman, sinabi ng Comelec Law Department na nakatanggap ito ng ulat na ang pangalan ni Capinig ay nabura, natanggal o nakansela sa sertipikadong listahan ng mga kandidato at si Moran ay sinuspinde lamang ang kanyang proklamasyon.
Nanalo si Capinig para sa Barangay chairman ng Barangay Cabas-an noong Oktubre 30 BSKE.
“It is undisputed that the COC (certificate of candidacy) of Mr. Capinig was administratively cancelled and his name should have been deleted/removed/cancelled in the Certified List of Candidates pursuant to Minute Resolution No. 23-0735,” ayon sa Comelec.
“However, EO Moran failed to implement the Resolution of the Commission En Banc and merely suspended the proclamation of Mr. Capinig despite having enough time to delete/remove/cancel his name in the Certified List of Candidates since this Department already sent via electronic mail the Notice of Implementation and Minute Resolution No. 23-0735 on 26 October 2023,” dagdag pa.
Kaya pinagtibay ng Comelec En Banc ang rekomendasyon ng Law Department na magsagawa ng imbestigasyon ng Personnel Department laban kay Moran.
Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na maaaring matanggal sa pwesto si Moran dahil sa gross insubordination.
Inaprubahan din ng En Banc ang rekomendasyon na ikonsidera ang boto na natanggap ni Capiling para sa 2023 BSKE bilang “stray votes.”
Ang kandidato para sa posisyon ng Punong Barangay ng Barangay Cabas-an na nakakuha ng susunod na pinakamataas na bilang ng boto sa mga kwalipikadong kandidato ay iproklama rin na panalo. Jocelyn Tabangcura-Domenden