Home NATIONWIDE Dive industry nag-ambag ng P73B sa ekonomiya

Dive industry nag-ambag ng P73B sa ekonomiya

MANILA, Philippines – Malugod na ibinalita ng Department of Tourism nitong Sabado, Pebrero 24 na nag-ambag ng mahigit P73 bilyon ang diving industry sa ekonomiya ng bansa noong 2023.

Sa pagbubukas ng Philippine International Dive Expo (PHIDEX) 2024, sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na halos dumoble ang kinita ng dive industry noong nakaraang taon kumpara sa P37 bilyon noong 2022.

“United under the guidance and visionary leadership of our President, we can look forward to yielding additional revenue from this industry, reinforcing the Philippine position as the world’s premier dive destination, and tourism’s role as now one of the strongest pillars of our economy, providing livelihood and employment for millions of Filipinos,” ani Frasco.

Matatandaan na nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy niyang pauunlarin ang bansa bilang hotspot para sa marine biodiversity, at ang bawat pagda-dive at paggalugad sa mga reef ay pagkakataon “to deepen our connection with our environment and reaffirm our duty to its preservation.”

Sinabi ni Marcos na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang mga bagong dive destinations at pag-imbita sa mga potential investor upang mapaunlad pa ang dive tourism sector.

Ayon sa DOT, kinilala ng World Travel Awards (WTA) ang Pilipinas bilang World’s Leading Dive Destination sa ikalimang sunod na taon, o mula noong 2019.

“This distinction for the Philippines, we take to heart with a firm commitment to ensure not just the marketability, but more importantly, the sustainability of our dive industry,” sinabi ni Frasco. RNT/JGC

Previous articleZelensky nangako ng tagumpay ng Ukraine vs Russia sa second war anniversary
Next articleKelot patay sa saksak sa Maynila