Home NATIONWIDE Divorce bill tinalakay na sa Kamara

Divorce bill tinalakay na sa Kamara

MANILA, Philippines- Tinalakay na sa House Plenary ang House Bill 9349 o ang panukalang magsasalegal ng divorce sa bansa.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na ang pagsasalegal sa divorce ang magiging paraan ng mga kababaihan na makatakas at makapagsimula ng panibagong buhay mula sa mapang-abusong asawa.

“Given the country’s history, the bill seeks to restore divorce as a rights-based option for majority of Filipinos, an option based on the recognition that the right to enter into a marriage contract has the corresponding spousal right to end such contract when it has reached the point of irreparability,” paliwanag ni Brosas.

Sinabi ni Brosas na hindi nangangahulugan na kapag naging legal na ang divorce ay magbibigay-daan na ito para masira ang mga relasyon.

“It is merely offering another option to spouses who may or may not resort it. It retains the existing remedies of legal separation, declaration of nullity of the marriage, and annulment and only adds divorce as one more remedy,” giit pa ni Brosas.

Umaasa ang mambabatas na agad tatalakayin ng Kamara ang panukala at ang tuluyang pag-apruba ito. Gail Mendoza

Previous articleMUP funds sa ilalim ng 2024 budget sapat – solon
Next articleZeinab, nagbigay ng Rolex kay Ray Parks!