
MANILA, Philippines- Opisyal nang isinalin sa bagong pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang tungkulin bilang district director kay incoming P/Col Arnold Thomas C. Ibay ng outgoing na si MPD Director P/BGen Andre Perez Dizon.
Larawan kuha ni Crismon Heramis
Sa turn-over ceremony ngayong umaga, Oktubre 18, nagpasalamat si Dizon sa pagsuporta sa kanyang ng buong MPD personnel sa halos isang taon mula noong Nobyembre 2022 simula nang maglingkod bilang ama ng kapulisan sa Maynila.
Aniya, sa lahat ng oras ay hindi siya iniwan sa kanyang paglilingkod ng “Manila’s Finest.”
Sa mensaheng ibinigay ni incoming Officer-In-Charge PCOL Ibay, sinabi nito na pag-iigihin niya ang pamumuno niya bilang DD ng MPD.
Ipinangako na susundan niya ang ang mga nagawa ni General Dizon kabilang na ang mga accomplishment ng naunang District Director.
Humihingi siya ng suporta sa buong kapulisan ng MPD upang ang kapayapaan at kaayusan sa buong Maynila ay mapanitili, lalo na sa seguridad ng BSKE 2023 at Undas 2023.
Sa pangunguna ni PBGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Acting Regional Director, ng NCRPO ay isinagawa ang pag turn-over ng Office Symbol at Property and Equipment Book mula sa outgoing Acting District Director sa incoming Officer-In-Charge ng MPD.
Larawan kuha ni Crismon Heramis