Home NATIONWIDE DLSU nanguna sa chemical engineering licensure exam

DLSU nanguna sa chemical engineering licensure exam

209
0

Nakakuha ng pinakamataas na score sa May 2023 licensure examination para sa chemical engineers ang graduate ng De La Salle University-Manila, sinabi ng Professional Regulation Commission.

Ayon sa PRC, mula sa 801 kumuha ng pagsusulit at 472 ang nakapasa sa exams na pinangangasiwaan ng Board of Chemical Engineering sa Metro Manila, ang mga lungsod ng Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, at Legazpi, at bayan ng Rosales noong nakaraang buwan. .

Nakuha ni Christian Jay Pagunuran Balboa ng DLSU Manila ang mataas na score na 92.60%, habang ang top performing school na may 10 o higit na test takers ay University of the Philippines-Diliman na nasa 29 mula sa 30 na nakuha ng grado na 96.96% passing rate.

Advertisement

Nakapasa rin ang lima mula sa 12 test takers na kumuha ng chemical engineer special professional licensure examination sa Abu Dhabi at Dubai sa UAE; Al-Khobar at Riyadh sa Saudi Arabia at Doha Qatar .

Kabilang rito sina Elmer Buyao Agbunag, Czarina Faye Mocoy Pabilona, Sande Galanida Pagapong, Robert Villarba Pillora, Hazel Marie Jordan Reyes. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleNordeco tatalupan ni Tulfo
Next articleRoque Verzosa itinalagang bagong LTO-NCR chief

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here