Home NATIONWIDE DMW: 47K OFW maaapektuhan sa partial deployment ban sa Kuwait

DMW: 47K OFW maaapektuhan sa partial deployment ban sa Kuwait

107
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes na 47,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang posibleng aapektuhan ng partial ban sa deployment sa Kuwait.

Sinabi ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac na halos 47,000 OFWs ang nagtungo sa Kuwait noong 2022 at parehing bilang ng mga manggagawa ang inaasahan na maapektuhan ng targeted ban.

Pansamantalang itinigil ng DMW ang pagproseso ng aplikasyon ng first-time Filipino domestic helpers papuntang Kuwait, kasunod ng pagpatay kay Ranara, ang OFW na iniulat na pinatay ng anak ng kanyang Kuwaiti employer.

“Nakikita natin na around that, around that same figure ang potentially na sa loob ng isang taon ang maaapektuhan,” aniya sa isang public briefing.

Sinabi ni Cacdac na ikinasa ang temporary suspension wpara tiyakin na ligtas ang OFWs sa middle eastern country mula sa pang-aabuso,

Tanging deployment ng first-time domestic helpers ang hindi pinapayagan dahil mas delikado sila na maabuso at mahirapan sa pag-adjust sa bagong kapiligiran.

“Nakikita natin na sila ang pinaka-vulnerable o potential na mahirapan sa adjustment pagdating sa Kuwait kaya pinagkaka-ingatan natin ang kapakanan nila,” paliwanag ni Cacdac.

“Hindi muna natin sila papayagan pumunta sa Kuwait, hangga’t mayroong tayong kasiguraduhan sa maigting pa na proteksyon, mas pinagtitibay pa na mga probisyon ng standard employment contract,” dagdag niya,

Bukod dito, magsasagawa ang DMW ng mas maraming information at orientation campaigns oo seminars, hindi lamang para sa OFWs subalit maging sa employers sa Kuwait. RNT/SA

Previous articleSaloobin ng LGUs sa karagdagang EDCA sites, pinakikinggan – AFP
Next articlePNP, Interpol sanib-pwersa vs ‘white collar’ crimes