Home NATIONWIDE DMW, DFA kinalampag sa benepisyo ng OFWs nawalan ng trabaho sa New...

DMW, DFA kinalampag sa benepisyo ng OFWs nawalan ng trabaho sa New Zealand

Nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) na tiyakin na makukuha ang lahat ng benepisyo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa New Zealand tulad ng back pay at iba pa sa tamang panahon.

Reaksiyon ito ni Villanueva matapos mawalan ng trabaho ang mahigit 700 manggagawa na nakasama sa layoff sa New Zealand at bigla na lamang nawalan ng pagkakakitaan matapos magsara ang ELE, isang skilled labor agency sa construction at manufacturing sector, nang walang abiso apat na araw bago sumapit ang Pasko.

Sinabi ni Villanueva na kahit nangako ang kompanya na babayaran ang OFws, hindi naman ito nagbigay ng takdang panahon kung kailan maibibigay ang benepisyo.

“We ask the DMW and the DFA to immediately make representations with the New Zealand government and the private company so that obligations to our OFWs will be fulfilled in the soonest time possible,” aniya.

“Having no job in a foreign country is a nightmare for our kababayan OFWs. For them, it’s no work, no pay. And without pay, how will they survive?” Villanueva, author of the DMW Act, dagdag ng senador.

Aniya, kailangan kumilos nang mabilisa ang DMW at DFA upang maiwasang maulit ang nangyari sa mahigit 10,000 OFWs na naawalan ng trabaho sa Saudi Arabia noong 2015. Hindi pa nila natatanggap ang kanilang back wages at benepisyo hanggang ngayon.

“We don’t want a repeat of what happened to our kababayans who were laid off in Saudi Arabia and remain waiting to get their pay and other receivables. Let’s act now,” ayon kay Villanueva.

Nag-alala din si Villanueva na kahit may tatlong taong bisa ang kanilang pananatili sa New Zealand, hindi naman sila pinayagan na makalipat ng ibang trabaho.

Simula noong huling linggo ng Disyembre, namumuhay nang sarili ang mga OFWs sa tulong ng kababayan sa lugar.

“We know this is not sustainable. One of these days they will run out of food and other supplies. Worse, they have families in the Philippines who are worried and yet, in need of support as well,” ayon kay Villanueva.

Kinalampag din n Villanueva ang DFA at DMW na pro-aktibong magmonitor sa sitwasyon ng OFWs sa Port Moresby, Papua New Guinea, kasunod na karahasanng nangyari nitong nakaraang linggo.

“Our office has received reports of the situation of our kababayans in Papua New Guinea who are seeking assistance from the government because of these violent attacks,” ayon sa Majority Leader.

“Our OFWs are obviously the victims here. Swift government action will help alleviate their plight,” dagdag ng senador. Ernie Reyes

Previous articleTolentino: Iconic design ng jeep, ‘wag alisin sa modernisasyon
Next article#CancelledFlights, Linggo, Enero 14