Home NATIONWIDE DMW kinastigo sa pagbibigay ng ‘false hope’ sa 10k OFWs sa Saudi

DMW kinastigo sa pagbibigay ng ‘false hope’ sa 10k OFWs sa Saudi

MANILA, Philippines – Mistulang kinastigo ni Senator Idol Raffy Tulfo ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pagbibigay ng “false hope” na magbigay ng tiyak na timeline hinggil sa pagpapalabas ng hindi pa nababayarang wages claims ng 10,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Sa isinagawang organizational meeting ng Congressional Oversight Committee on Migrant Workers, kahapon Agosto 17, na pinamumunuan ni Tulfo, nag-follow-up siya tungkol sa naunang anunsyo ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na ang pondong pambayad sa unpaid wage claim ng mga OFW ay nasa Ministry of Finance ng Saudi.

Sinabi ni DMW Acting Sec. Bernard Olalia na nangako na si Crown Prince Mohammed bin Salman na malapit nang iproseso ng gobyerno ng Saudi ang mga hindi nabayarang claim ng mga manggagawa ngunit nabigo siyang magbigay ng eksaktong petsa.

Sa kabilang banda, sinabi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na, sa unang bahagi ng taong ito, sinabi na nila na hindi makatotohanang asahan ang pagbabayad ng nasabing mga claim anumang oras sa lalong madaling panahon.

Dahil dito, sinabi ni Tulfo sa DMW na itigil na ang pagbibigay ng “false hopes” sa mga OFW sa pamamagitan ng maagang pag-anunsyo ng hindi na-verify na impormasyon sa media.

“Marami sa ating mga pobreng OFW ang na-excite dahil dito pero hanggang ngayon ay wala pa ring perang sumasayad sa palad nila. Dapat ay magbigay kayo ng time frame,” ani Tulfo. Ernie Reyes

Previous article4.4K law enforcers ipakakalat sa FIBA – PNP
Next articleCatapang lilikha ng ‘barrio’ sa mga PDL, pamilya nito