Home NATIONWIDE DMW, NCMF lumagda ng kasunduan sa kapakanan ng Muslim Filipino migrant workers

DMW, NCMF lumagda ng kasunduan sa kapakanan ng Muslim Filipino migrant workers

MANILA, Philippines – Nilagdaan ng Department of Migrants Workers (DMW) at ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang isang kasunduan para sa pangkalahatang kapakanan ng mga Muslim Filipino migrant workers gayundin sa mga gustong magtrabaho sa ibang bansa.

Pinangunahan nina DMW Officer-in-Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac at NCMF Officer-in-Charge Yusoph Mando ang pagpirma sa memorandum of agrement (MOA) na nagbabalangkas ng komprehensibong mekanismo ng suporta para sa mga Muslim na OFW.

Ginawa ang signing ceremony sa DMW main office sa Mandaluyong City kung saan nangako si Cacdac sa full implementation ng kasunduan sa pamamagitan ng lahat ng staged ng Muslim OFWs overseas labor journey mula pre-departure orientation, deployment, at on-site employment hanggang sa kanilang muling reintegration.

Sa ilalim ng MOA, ang DMW at ang NCMF ay nangakong magtulungan sa iba’t ibang mga hakbangin na kinabibilangan ng pagbuo ng sistema ng pagpaparehistro para sa mga Muslim OFW, pagsasagawa ng mga pre-departure seminar kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at paglulunsad ng magkasanib na kampanya laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Kasama rin sa MOA ang pagbibigay ng Arabic language training sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga nagnanais na makahanap ng trabaho sa mga bansang nagsasalita ng Arabic.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Mando sa DMW na nasabing ang pagtutulungan ay lubos na makakatulong sa Muslim Filipinos na nagsisikap na makahanap ng disenteng trabaho at job opportunities abroad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleFacebook page ng Marikina na-hack
Next article33 float lumahok sa Panagbenga flower float parade