Home NATIONWIDE DMW OIC lilipad pa-Saudi sa pagpapabilis sa pagbabayad sa unpaid salaries ng...

DMW OIC lilipad pa-Saudi sa pagpapabilis sa pagbabayad sa unpaid salaries ng mga OFW

MANILA, Philippines – Tutulak ng Saudi Arabia si Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac upang pabilisin ang pag-aayos sa mga hindi pa nababayarang sahod ng mga overseas Filipino worker (OFWs) na na-displace matapos ideklarang bangkarote ang ilang kumpanya.

Sinabi ni Cacdac na naatasan ito na bumisita sa Middle East upang muling pag-usapan ang hindi nababayarang sahod kasama ang mga awtoridad sa Saudi Arabia.

Umaasa si Cacdac na magkakaroon ng progreso sa pag-uusapan, na magkakaroon ng konkretong development sa unang bahagi ng susunod na taon.

Sinabi rin ni Cacdac na kasalukuyang may pagsisikap upang ma-contact ang mga benipisyaryo ngunit ang mekanismo ng pagpapalabas ng pagbabayad ay dapat na makumpleto upang maitakda ang pondo.

Nasa tinatayang 10,000 OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa oil crisis ay nakatanggap na ng kanilang tseke para sa kanilang unpaid wages sa Saudi Arabia matapos ang mahigit isang taon ng paghihintay.

Gayunman, hindi tinatanggap ng bangko ng Pilipinas ang tseke dahil ito ay mula sa bangko ng Saudi Arabia, at ito ay Saudi riyal.

Ang mga OFWs ay humihingi rin ng master list ng mga claimants mula Saudi Arabia upang may panahon ang DMW na maisama ang mga wala sa listahan.

Nobyembre 2022 nang mangako si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman na maglalaan ng nasa 2 bilyong riyals para sa unpaid salaries ng mga OFW na nagtrabaho sa mga construction companies na magdeklara ng bangkarite noong 2015 at 2016. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleJonica Lazo, palaban sa hubaran!
Next articleTourist boat sa Mindoro nasiraan, 8 indibidwal nasagip