Home NATIONWIDE DMW sa Senado: Pagratipika sa ILO Convention 190 paspasan

DMW sa Senado: Pagratipika sa ILO Convention 190 paspasan

MANILA, Philippines- Hinikayat ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules ang Senado na ratipikahan ang International Labor Organization (ILO) Convention 190 on Violence and Harassment, at binanggit ang mga benepisyo nito sa overseas Filipino workers (OFWs).

“The Convention is especially relevant for our overseas Filipino workers (OFWs), who may face various forms of violence and harassment in their workplaces abroad, such as physical, psychological, sexual, or economic harm,” pahayag ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac.

Ani Cacdac, bibigyang-daan ng ILO Convention, na naglalayong wakasan ang karahasan at pang-aabuso sa trabaho, kabilang ang gender-based violence at harassment, ang paglikha ng international framework para sa proteksyon ng OFWs.

“[C]ertain groups of OFWs may be more vulnerable to violence and harassment, such as domestic workers, seafarers, health workers, and women workers,” wika niya.

Sa position paper na isinumite sa Senate Committee on Foreign Relations, inihayag ng DMW na bibigyang-diin sa ratipikasyon ng ILO Convention ang commitment ng bansa sa pagsusulong ng safe work environment. 

Ikinasa ang ILO Convention 190 noong June 25, 2021 at niratipikahan na ng anim na bansa kabilang ang Argentina, Ecuador, Fiji, Namibia, Somalia, at Uruguay.

Matatandaang inendorso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ratipikasyon ng ILO Convention 190 sa Senado sa kanyang referral letter na may petsang 13 October 2023. RNT/SA

Previous articleKelot na mahina ang pandinig patay sa sagasa ng tren!
Next articleMga baril ni Abong pinababawi ng DILG