Home NATIONWIDE DND nagsagawa ng mga hakbang vs pag-iispiya

DND nagsagawa ng mga hakbang vs pag-iispiya

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Department of National Defense (DND) na itigil ang pag-outsource ng mga tauhan nito upang maibsan ang banta ng pag-iispiya.

“There is a full security review ongoing,” pahayag ni Teodoro nitong Martes sa forum ng Manila Overseas Press Club sa isang hotel sa Makati.

“We have to tailor even the most basic services to conform to operational security,” pahayag niya.

“Even our janitorial services, I have given my instruction to stop outsourcing these things already because you are getting them from manpower agencies: they are not properly motivated, they are part of your secure environment, and yet they are a possible target for espionage and other things.”

Bukod dito, nagsagawa ng mga hakbang ang departamento upang protektahan ito at ang militar laban sa security threats kahit na sa cyber realm.

Oktubre noong nakaraang taon nang iatas ni Teodoro sa  DND employees na iwasang gumamit ng artificial intelligence-powered apps na kumilikha ng enhanced portraits, at sinabing maaari itong magresulta sa identity theft.

Nito lamang buwan ay ipinag-utos din ni Teodoro sa Armed Forces of the Philippines na muling pairalin ang counterintelligence group upang protektahan ang militar laban sa pag-iispiya, pananabotahe, at iba pang intelligence activities ng foreign agents. RNT/SA

Previous article4 kalaboso sa ilegal na droga
Next articleVP Sara wala pang natatanggap na dokumento sa ICC probe