Home NATIONWIDE ‘Doble Plaka’ law, aamyendahan; gagawing balanse – solon

‘Doble Plaka’ law, aamyendahan; gagawing balanse – solon

MANILA, Philippines- Gustong amyendahan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang Motorcycle Crime Prevention Act o Republic Act No. 12235, upang maging balanse sa kagalingan ng riding community at pagtugon sa kimen na ginagawa ng “riding-in-tandem.”

Sa kanyang co-sponsorship speech sa Senate Bill No. 2555, iginiit ni Dela Rosa na masyadong “manipis” ang linya na inilatag ng batas sa pagitan ng crime prevention at diskriminasyon.

“There is nothing wrong with penalizing offenders of the crimes they have committed,” ayon kay Dela Rosa.

“However, it would be downright discriminatory to punish a whole sector for the sins committed by a few. The motorcycle-riding community has done more good than evil,” giit niya.

Nakatakdang amyendhan ng Senate Bill No. 2555 na may sponsored Committee Report No. 191 ang probisyon hinggil sa pagpaparehistro ng motorsiklo na inihihiwalay ang kaso sa bagong may-ari mula sa kaso pagkatapos maibenta, na ikinokonsidera ang ilang magkakaibang moda kung paano nabili ang sasakyan tulad ng repossessed motorcycles.

Ipinanukala ng e committee report ang paglalagay ng RFID sticker sa unahang bahagi ng motorsiklo sa halip na orihinal na decal plates sa ilalim ng RA 11235 upang matiyak ang kaligtasan ng riders.

Kabilang pa sa rekomendasyon ng committee report ang :

  • “adjusting the period within which the owner of the motorcycle may report any loss of number plate or RFID sticker;

  • adjusting the penalties of fine and imprisonment to a more reasonable amount and period;

  • adjusting the transitory provision to June 30, 2025 for motorcycle owners not in conformity with the provisions of SB 2555 to renew their registration, and Dec. 31, 2025 for the Land Transportation Office (LTO) to produce, release, and issue the number plates as required under the proposed measure.”

Ikinalungkot ni Dela Rosa, isang motorcycle enthusiast na tila sini-single out ang riding community nang isabatas ang RA 12235.

Pero nagbago ang pananaw ng publiko sa motorcycle riding sector noong panahon ng pandemya ng COVID-19 na naging krusyal ang kanilang papel sa paghahatid ng essentials, tulad ng test kits, food items, medicines,at iba pa.

“As a motorcycle rider myself, I empathize with the clamor of my fellow riders who raised their concerns, arguing that the said law is, and I quote, ‘discriminatory as it singles out motorcycles and seems to generalize that only motorcycle owners and riders have the propensity to commit a crime,” giit ng mambabatas.

Sinabi ni Dela Rosa na matutugunan ng panukala ang discriminatory provision ng batas at alalahanin ng motorcycle riding community.

“We are hitting two birds with one stone: ensuring the safety of our fellow motorcycle riders while promoting the protection of the general public against unscrupulous individuals, those who would rather abuse the advantages of this two-wheeled instrument for their evil intentions,” ayon sa dating Philippine National Police (PNP) chief.

“Today, we are given the opportunity to amend issues that might have been overlooked. Let us now think of this amendment as a way for us to provide only the best legislative gear for our riders,” giit ni Dela Rosa. Ernie Reyes

Previous articlePapel ng PH film sector sa paghubog ng kultura, ekonomiya pinuri ni Sen. Go
Next articleSakripisyo ng 6 nasawing sundalo sa Lanao Sur kinilala ni VP Sara