MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Energy aang posibleng price cut sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, at sinasabing mas mataas ito kumpara sa rollback ng presyo ngayong linggo.
“Base sa estimate, meron tayong inaasahang rollback sa gasoline and kerosene. Sa diesel alanganin ho at kailangan antayin ‘yung Friday trading,” ani DOE Oil Management Bureau chief Rino Abad sa TeleRadyo Serbisyo interview.
“Medyo mataas ang rollback. Estimate sobra ito sa 1 peso ang rollback sa gasoline, sa kerosene 40-60 centavos,” aniya pa.
Sinabi niya, gayunpaman, na may napipintong pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas.
Noong nakaraang Martes, nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng P0.20/litro para sa gasolina at diesel, at P0.50/litro na kerosene. Ang price adjustments ay nagresulta sa year-to-date net increase na P17.30/litro para sa gasolina, P13.40/litro ng diesel at P9.44/litro para sa kerosene. RNT