Home NATIONWIDE DOE sa publiko: Magtipid sa kuryente sa gitna ng El Niño

DOE sa publiko: Magtipid sa kuryente sa gitna ng El Niño

MANILA, Philippines- Inihirit ng Department of Energy (DOE) sa mga consumer na magtipid ng enerhiya bilang tugon sa inaasahang El Niño phenomenon sa susunod na taon.

Base kay DOE Secretary Raphael Lotilla, umapela si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino na magtipid ng kuryente kahit na sapat ang supply nito, partikular sa tag-init kung saan paiigtingin pa ng El Niño ang mataas na temperatura.

“President Ferdinand Marcos Jr. has emphasized the need to expand and deepen the practice of energy and conservation to mitigate power demand. He appealed to Filipinos to conserve energy and create a culture of responsible usage of electricity as power supply projections may still change, even if we have adequate projection, due to extreme temperatures during the height of summer that will be exacerbated by El Nino,” wika ni Lotilla.

“As we face the challenging period where we would need the support of everyone, we must therefore be conscious in our use of electricity,” patuloy niya.

Gayundin, inihayag ng energy secretary na magbibigay ang Department of Health ng generator sets sa mga ospital sa mga lokasyong maaaring maapektuhan ng lapses sa electric supply.

“In the case of the health sector, while the Department of Health will be providing generator sets for the government hospitals, there are also hospitals that are maintained by the provincial and local government units. The local government could help us identify these critical facilities for our efficient interventions,” ani Lotilla. RNT/SA

Previous articleTRB naghahanda na para sa Christmas exodus
Next articleFaith at Dennis da Silva, nagkita na!