Home NATIONWIDE DOE target gawing e-vehicles lahat ng gov’t car sa 2040

DOE target gawing e-vehicles lahat ng gov’t car sa 2040

MANILA, Philippines – TARGET ng Department of Energy (DOE) na gawing e-vehicles ang lahat ng sasakyan ng pamahalaan sa 2040.

Sa katunayan, pinangunahan ng DOE ang paglulunsad ng “first electronic buses (e-buses)”, alinsunod sa layon ng Pilipinas na lumipat na sa paggamit ng electric vehicles (e-vehicles) sa taong 2040.

Sa ilalim ng Comprehensive Road Map for the Electric Vehicle Industry ng bansa, ang lahat ng government vehicles ay dapat na convert sa e-vehicles sa taong 2030.

Pagdating ng 2040, ang lahat ng ito ay dapat na pinatatakbo na ng elektrisidad.

Sa kabilang fdako, ang 47-seater e-bus ay nagkakahalaga ng P29 million, kabilang na rito ang charging station.
Gayunman, ang presyo ay doble kumpara sa regular bus.

“The Department of Budget and Management has issued a circular to the different LGUs that they can already acquire chargeable to their local budgets,” ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla sa isnag panayam.

Kabilang din sa plano ng pamahalaan ay lumipat din ang public at private transportation sa e-vehicles, may 10% na ng mga bus company ang gumagamit ng electric pagdating ng taong 2040.

Welcome naman sa Mega Manila Consortium (MMC), grupo ng mga bus companies ang nasabing panukala subalit kailangan aniya na may subsidy para sa mga kompanya dahil ang presyo ng e-bus at dalawang beses ang taas sa kanilang kasalukuyang unit.

“Kung bibigyan kami ng gobyerno ng subsidy and then there will be an incentive or whatever ibigay ng gobyerno maayos yan e anyway its 2040 pa,” ayon kay Juliet de Jesus ng MMC sa ulat.

Sa kasalukuyan, wala namang pag-uusap ukol sa subsidy subalit nagpatupad naman ang pamahalaan ng insentibo para sa e-vehicle industry.

Kabilang na rito ang “lifting of tariffs for e-vehicles, green routes or franchises, and exemption to color or number coding schemes.”

“The next stage of course is to make sure that when one travels from Appari to Jolo or even short of that, there will be enough charging stations all the way,” ayon kay Lotilla. Kris Jose

Previous articleDe Lima muling aapela sa hirit na piyansa
Next articlePaano nga ba mag-aplay sa visa-free travel pa-Canada?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here