Home NATIONWIDE DOF nagbabala sa mga nagkalat na scammer sa Telegram

DOF nagbabala sa mga nagkalat na scammer sa Telegram

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Finance (DOF) nitong Linggo, Disyembre 17, sa publiko laban sa mga scammer na nagpapakilalang empleyado ng pamahalaan at humihingi ng pera kapalit ng serbisyo nito.

Sinbi ng DOF na ginagamit ng mga scammer ang messaging app na Telegram para makapambiktima.

“Sila ay nagpapanggap na empleyado ng DOF at nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo at transaksyon upang maningil ng bayad,” saad sa pahayag ng ahensya.

Sa kabila nito, sinabi ng DOF na walang kapangyarihan ang sinuman sa kanilang mga empleyado na magsagawa ng transaksyon sa labas ng official platform ng ahensya.

Pinaalalahanan naman ang publiko na walang Telegram account ang DOF.

“We would like to remind everyone to be cautious and only engage with the official DOF office for any transactions,” dagdag ng ahensya.

Noong Nobyembre, nag-abiso na rin ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa publiko na maging maingat sa mga scam na mas tumataas tuwing Christmas season. RNT/JGC

Previous article15 Pinoy na sakay ng barkong inatake ng drone sa Red Sea, makatatanggap ng tulong
Next article3 tiklo sa Taguig sa P1.7M shabu