MANILA, Philippines- Nasa 6.9 milyong bata ang nabakunahan laban sa tigdas, rubella at polio sa ilalim ng kampanya ng gobyerno na “Chikiting Ligtas 2023,” ayon sa Department of Health (DOH).
Naglunsad ng isang buwang nationwide supplement immunization campaign ang DOH para mabakunahan ang mga kabataan laban sa vaccine-preventable diseases.
Nitong Martes, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na humigit-kumulang 5.3 milyon ang nabakunahan laban sa tigdas at rubella noong Mayo 15.
Ang pinakahuling bilang na ito ay kumakatawan sa 55.47 porsyento ng kabuuang karapat-dapat na populasyon.
Samantala, humigit-kumulang 1.6 milyong bata ang nakatanggap ng bakuna laban sa polio o 52.12 porsiyento ng kabuuang karapat-dapat na populasyon, dagdag niya.
Advertisement