Home METRO DOH Calabarzon: 14 na patay sa ihi ng daga

DOH Calabarzon: 14 na patay sa ihi ng daga

255
0

MANILA, Philippines – NAGBABALA ang Department of Health- Center for Health Development (DOH-CHD) Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa publiko laban sa leptospirosis kung saan ang bansa ay nakakaranas ng walang tigil na ulan na nagdudulot ng baha.

Ito ang babala ni DOH CALABARZON Regional Director Ariel I. Valencia, partikular sa mga mahilig magtampisaw, naliligo at naglalaro sa baha at kung hindi ito mapipigilan ay gumamit ng bote at gloves, maghugas ng kamay gamit ang sabon.

Iniulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) na may kabuuang 95 kaso ng leptospirosis, 14 dito ang namatay mula January 1 hanggang July 29, 2023 at 76% na mas mataas kumpara noong nakaraang taon na 54 na kaso.

Ang mga probinsiya na may mataas na kaso noong nakaraang taon ay ang Quezon na may 35 (218%), sumunod ang Rizal, na may 22 kaso (83%), Laguna, na may 16 (100%), at Batangas na 3 (44%). Habang ang Cavite ay nakapagtala lamang ng 9 na kaso, mas mababa kaysa noong nakaraang taon na 14 kaso.

Ang Leptospirosis ay nakukuha sa pamamagitan ng kontak sa balat kung saan kontaminao sa ihi ng isang apektadong hayop o kontaminadong tubig , gaya ng paglalangoy, pagtatampisaw sa baha mula sa ihi ng isang hayop . Makukuha rin ito sa pamamagitan ng pag-inom o mula sa pagkain na kontaminado sa ihi ng hayop gaya ng daga.

“Kung nakaranas na ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panginginig, pananakit ng kalamnan, pagsusuka, paninilaw ng balat (jaundice), pamumula ng mata, pananakit ng tiyan, pagtatae at pamamantal, magtungo agad sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng agarang lunas,” paalala ni Valencia.

Siniguro naman ni Valencia ang sapat na suplay ng doxycycline, “Kung na-expose na sa tubig-baha, agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health centers para mabigyan ng medicine. If cases continue to rise, we assure the public that we have enough supplies,” ayon pa kay Valencia.

Ayon sa DOH-CALABARZON, may nakaantabay na mahigit sa 142,000 doxycycline capsules na handang ibigay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBaha sa Valenzuela ‘di pa rin humuhupa
Next articleP1B sa 2024 budget inilaan sa Marawi 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here