Home NATIONWIDE DOH chief hinimok magtalaga ng tututok sa seniors

DOH chief hinimok magtalaga ng tututok sa seniors

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senator Francis Tolentino ang bagong talagang kalihim ng Department of Health (DOH) na magtalaga ng focal person na tututok sa kapakanan ng mga senior citizen sa bansa.

Ipinaliwanag ni Tolentino na dapat mayroong opisyal sa loob ng DOH na “magtutuon lamang sa kalusugan at kapakanan ng mga Pilipinong nasa edad 60 taong gulang pataas.

Ito aniya ay upang matiyak ang kanilang kagalingan, kung isasaalang-alang ang iba’t ibang morbidity/comorbidity na maaaring mangyari sa panahong iyon ng buhay.”

Sa ilalim ng nasabing hakbang,makikipag-ugnayan ang DOH sa mga local government units ,non-government organizations at iba pang grup para sa programang pangkalusugan na nakatuon sa mga matatanda.

Ikinatuwa naman ni Herbosa ang mungkahi ni Tolentino, ayon sa pahayag ng senador.

Bukas naman ang DOH sa mungkahi ng senador nang tanungin nito si DOH secretary Teodoro Herbosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSakay ng nasunog na barko ligtas lahat – PCG
Next articleReporma sa NFA pinuri ni PBBM; food security pinalakas