Home HOME BANNER STORY DOH chief oks sa medical marijuana

DOH chief oks sa medical marijuana

369
0
Medical Marijuana

MANILA, Philippines- Pabor ang Department of Health (DOH) sa paggamit ng cannabis sa medical purposes ngunit hindi sa pagtatanim o paggawa ng marijuana sa bansa.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang medical cannabis ay maaari nang gamitin ng mga pasyente sa Pilipinas sa pamamagitan ng compassionate special permit na nilagdaan ng Food and Drug Administration (FDA) na magpapahintulot sa pag-angkat nito.

Aniya ang medical cannabis ay kapaki-pakinabang para sa mga nakararanas ng cancer, glaucoma at seizure disorder bukod sa iba pa.

“I’m for the legalization of medical use of marijuana, but I’m not in favor of cultivating marijuana plants for farming, and manufacturing kasi ‘pag ganon, wala pa tayong checks and balance,” sabi ni Herbosa.

Dagdag pa ng kalihim, lahat ng gamot ay imported upang mas madali itong makontrol dahil nare-regulate pa rin aniya ang no-medical marijuana.

Noong Hulyo, tinapos ng Senate health and demography subcommittee ang mga deliberasyon nito sa panukalang Medical Cannabis Compassionate Access Act, kung saan hinihiling ni Senator Robin Padilla ang mga stakeholder at resource person na suportahan at tulungan ang panel sa paggawa ng committee report sa pamamagitan ng technical working group.

Naghain din si House Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo ng panukalang batas na nagpapahintulot sa paggamit ng cannabis para sa medikal na layunin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleAgri damage dulot ni ‘Egay,’ ‘Falcon,’ Habagat P2.9B na – NDRRMC
Next articleDOH nagbabala sa sirit-kaso ng leptospirosis kasunod ng pagbaha sa Luzon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here