Home NATIONWIDE DOH ‘code white’ ngayong Semana Santa

DOH ‘code white’ ngayong Semana Santa

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na inilagay na sa code white alert ang mga ospital nito dahil sa inaasahang pagdagsa ng milyon-milyong manlalakbay ngayong Semana Santa.

Ang code white alert ay idinedeklara tuwing national events, holidays, o selebrasyon na potensyal na nagdudulot ng iba’t ibang insidente.

“The DOH family joins all Filipino families in the solemn and healthy observance of Holy Week 2024. Following instructions of President Marcos, hospitals are now on Code White Alert, always ready to care for patients in the event of any medical crisis,” sabi ni Health chief Teodoro J. Herbosa.

Sa paggunita ng Semana Santa na kasabay ng tag-araw, hinimok ng DOH ang publiko na gawin ang mga sumusunod:

• Uminom ng maraming tubig

• Iwasan ang matagal na pagkakalantad sa init

• Mag-ingat sa mga sakit at karamdamang dala ng tag-init

• Bantayan ang mga bata kapag lumalangoy

Taun-taon, ang paggunita sa Semana Santa ay nag-uuwi ng milyun-milyong Pilipino sa kanilang mga probinsiya, o sa iba’t ibang Simbahang Katoliko, resort, at iba pang tourist destination dahil kasabay nito ang tag-araw.

Kahapon lang, idineklara ng state weather bureau PAGASA ang pagsisimula ng summer season. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleRelokasyon ng ISFs sa Malabon, inihahanda na ng NHA para sa tag-ulan
Next articleWalang nasawing Pinoy sa gun attack sa Russia