Home NATIONWIDE DOH, DBM magpupulong sa naantalang COVID allowance ng health workers

DOH, DBM magpupulong sa naantalang COVID allowance ng health workers

81
0

MANILA, Philippines – Tatalakayin ng Department of Health (DOH) at mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga reporma kung paano babayaran ang naantalang COVID-19 special risk allowance ng mga healthcare worker.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nagrekomenda si DBM Secretary Amenah Pangandaman ng mga hakbang upang maiwasan ang karagdagang pagkaantala sa pagbabayad.

Tinukoy ang DOH database, sinabi ni Vergeire na 805,000 healthcare workers mula sa local at national government at private sector ang kasalukuyang tumatanggap na at ang mga hindi pa tumatanggap ng allowance.

Aniya, P72 bilyon ang inilaan sa ilalim ng 2023 national budget para sa healthcare workers’ allowance— P52 bilyon nito ay sa ilalim ng DOH’s unprogrammed funds, habang P19 bilyon ang sa ilalim naman ng programmed funds.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na ito ay hindi pa sapat upang bayaran ang atraso ng DOH sa mga health workers mula noong 2021. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDOH sa private sector: ‘Wag nang bumili ng bivalent vax
Next articleBong Go: Polisiya sa deployment ng OFWs repasuhin