DOH, DPWH pinahahanda na para sa quarantine facilities kada rehiyon

DOH, DPWH pinahahanda na para sa quarantine facilities kada rehiyon

July 1, 2020 @ 12:24 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Hinimok ni Cagayan De Oro City Representative Rufus Rodriguez ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Health (DOH) na magplano na para sa pagtatayo ng quarantine facilities kada rehiyon.

Ipinahayag ni Rodriguez ang panukala ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte na layong magkaroon ng quarantine facilities sa kada rehiyon sa bansa dahil kinakailangan umano ito sa panahon ng pandemya.

Katuwiran kasi nito, karamihang natatagpuan sa Metro Manila ang isolation at treatment facilities.

“Since there is now an increase in COVID-19 cases in the provinces, we need these regional quarantine facilities to serve our people in the countryside,” pahayag nito.

Dapat aniyang maging handa ang DPWH sa pagtatayo ng mga pasilidad na ito at dapat simulan na rin ng DOH ang pagsasanay sa mga tauhang magpapatakbo sa mga establisimyentong ito.

Dapat may kagamitan ang panukalang quarantine facilities sa kada rehiyon kagaya ng sapat na pagkain, pananamit, paraan ng komunikasyon at pangangalagang medikal.

Pinatutukoy sa DOH ang lokasyon kung saan ipatatayo ang quarantine facility sa pakikipag-ugnayan sa DPWH at local government unit.

Kailangan namang pangasiwaan ng DPWH ang pagtatayo ng quarantine facility at bumuo ng building specifications batay sa standards, issuances at panuntunan kasama ang LGU. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...