Home HEALTH DOH: Gluta pang-kanser, ‘di pampaputi

DOH: Gluta pang-kanser, ‘di pampaputi

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Departmemt of Health (DOH) ang publiko na hindi para sa pampaputi ang Glutathione.

Ayon sa DOH, ang glutathione ay ginagamit para sa paggamot sa kanser.

Dagdag pa, bilang side effect ng naturang gamot ay nakakapekto ito sa melanin sa katawan ng isang tao na isang pigment na responsable para sa kulay ng balat,buhok at mata.

Ang melanin ayon kay Health Asec. Albert Domingo ay proteksyon mula sa ultraviolent rays.

Ibig sabihin aniya hindi basta-basta nagkakaroon ng skin cancer kapag naarawan kumpara sa mga lahi na mapuputi.

Paliwanag ni Domingo, kapag ang isang tao ay natural na mas maitim, mas mababa ang kanyang risk na magkaroon ng skin cancer.

Ngunit sa pagkalahatan , sinabi ng opisyal na ito ay nakakaputi pa rin ngunit depende pa rin kung paano mag-respond ang katawan. May mga mabilis aniyang pumuti at ang iba naman ay matagal pero gayunpaman, hindi aniya ito pampaputi at hindi rin dapat ito ginagamit para pumuti.

Sa usapin sa paggamit ng glutathione ay kasunod ng paglilinaw ni TV host Mariel Rodriquez -Padilla dahil sa kanyang drip session sa opisina ng asawang si Sen.Robin Padilla.

Paglilinaw ni Mariel, ang ininject sa kanya ay hindi glutathione kundi vitamic C.

Ayon naman sa DOH, hindi rekomendado ng DOH ang vitamin C at glutathione drips.

“DOH categorically states that there are no published clinical trials that have evaluated the use of injectable glutathione for skin lightening. There are also no published guidelines for appropriate dosing regimens and duration of treatment. Injectable glutathione is approved by FDA Philippines as an adjunct treatment in cisplatin chemotherapy. The [Food and Drug Administration] has not approved any injectable products for skin lightening,” pahayag ng ahensya nppng Pebrero 24.

Sinabi ni Domingo na ang mga problema sa atay,bato at balat ay maaring magmula sa paggamit ng glutathione bilang pagpapaputi ng balat, habang ang intravenous vitamic C ay maaring magdulot ng mga problema sa bato.

Sinabi pa ni Domingo na tanging ang manufacturer at hindi ang FDA o DOH ang magsasagawa ng clinical trials para sa glutathione bilang skin-whitening drug.

Sa katanungan kung bakit nanatiling laganap ang paggamit ng glutathione bilang pampaputi at maging ang mga doktor pa ang nagbibigay ng glutathione drips, sinabi ni Domingo na higit pa sa isang “ethical” at “practice” na isyu, dahil sa ilalim ng off-label na paggamit ng gamot, pinapayagan ang mga doktor na magreseta ng gamot para sa ibang layunin maliban sa inaprubahan ng FDA- kung sa tingin nito ay maaring kapaki-pakinabang.

Ang nasabing gawain ay hindi illegal ngunit kailangang ipagbigay alam sa pasyente ang mga benepisyo at panganib ng gamot.

Samantala, sinabi ni Domingo na maaring tulungan ng DOH ang mga pasyenteng nagsampa ng reklamo laban sa mga doktor kapag nagkaroon ng problema sa paggamit ng glutathione.

Binigyan-diin ni Domingo na isa ring doktor, na hindi na kailangan ang drips, capsules at kahalintulad upang magklaroon ng fair complexion kundi ang simpleng pag-iwas sa init ng araw ay isa nang magandang hakbang.

Sinabi rin ni Domingo na dapat ding kumonsulta sa mga lisensyadong dermatologist para sa anmang skin care routine.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePosisyon ng Pinas sa ICC ‘di pa rin nagbabago – DOJ
Next articleMaliliit na negosyo saklolohan- Yamsuan