Home NATIONWIDE DOH handa sakaling muling magka-pandemya

DOH handa sakaling muling magka-pandemya

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na handa ito sakaling magkaroon ng panibagong pandemya, apat na taon mula nang lumaganap ang COVID-19 .

“The DOH is categorically ready, that is correct. As to how ready, no one in this world is 100 percent ready. Even the WHO itself was not prepared when COVID-19 came out… We cannot be caught, kumbaga, flatfooted, na parang nakatunganga tayo tapos nagre-relax. Hindi p’wede, dapat ready tayo. Insofar as the Philippines and the DOH is concerned, we are ready,” sabi ni DOH Asec. Albert Domingo.

Bukod sa mga ospital, inihahanda rin ng DOH ang mga primary health care facility para may mapuntahan ang mga pasyente sakaling magkaroon ng panibagong health emergency, gaya ng pandemya.

Sinabi ni DOH Sec.Ted Herbosa na tungo sa hinaharap, alam na ng ahensya ang dapat gawin. Ang UHC Act pa rin umano ang sanggunian at ito ang kautusan ni Pangulong Marcos– ang palakasin ang pangunahing pangangalagang pangkalusgan para ihanda ang bansa sa susunod na pandemya.

Sinabi naman ni Robert Mendoza, national president ng Alliance of Health Workers, hindi pa handa ang lalo ngayong may exodus ang health care workers tulad ng mga nars, midwives, nursing attendants at iba pang health care workers.

Dismayado si Mendoza na walang nagbago sa mga isyung bumabagabag sa health care delivery system.

“Kasi alam natin nandyan pa rin ang chronic understaffing, mababa ang sahod, demoralized pa rin ang health workers, delayed ang benepisyo… Talagang hindi siya sapat sa pagbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan,” giit ni Mendoza.

Samantala, ginarantiya naman ni Domingo ang tulong para sa kanilang hanay.

“We are looking at better working conditions… DOH is working with the DBM [Department of Budget and Management], and lately the Commission on Audit. Ano bang mga balakid bakit hindi pa mabigay iyong health emergency allowance? Kasi sabi nga namin sa ospital, kailangang gawan ng paraan… ‘Pag buhay ng tao ang pinag-uusapan, sino bang sumasaklolo? Ang health care workers. So tulungan natin sila,” paliwanag ni Domingo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleRape suspect timbog sa manhunt ops
Next articleP26.86B pekeng produkto nasamsam sa Pinas noong 2023