Home NATIONWIDE DOH Hotlines sa pag-iwas sa alak, sigarilyo binuksan na

DOH Hotlines sa pag-iwas sa alak, sigarilyo binuksan na

MANILA, Philippines – Para makaiwas sa alak at sigarilyo, ang Department of Health (DOH) ay nagsimula nang tumanggap ng tawag sa pamamagitan ng binuksang hotline.

Ginawa ng DOH ang Hotlines upang direktang makapagbigay ng gabay sa mga tao ang kanilang mga doktor 24/7.

Ayon sa DOH, maaari lamang tumawag sa 1550 para sa DOH Substance Abuse Helpline o sa 1558 para sa DOH quit line.

Paalala ng DOH, ang nasabing mga bisyo ay walang maibibigay ng magandang dulot kundi pagkasira ng kalusugan.

Kabilang sa mga sakit na dala ng alak at sigarilyo ay ang hypertension, liver disease, digestive problems, road problems at tumataas na tsansa na gumamit ng illegal na droga kapag umiinom ng alak. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTaiwanese national na sangkot sa telco fraud, inaresto ng BI sa Pasay
Next article‘DOH Health News-Philippines Facebook Page’ ibinabala, ‘di konektado sa DOH