Home NATIONWIDE DOH: Kamote, mais masustansyang alternatibo sa kanin

DOH: Kamote, mais masustansyang alternatibo sa kanin

MANILA, Philippines- Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Enrique Tayag na ang kamote at mais ay mas mura kesa bigas ngunit makakapgbigay ito ng parehong benepisyo sa calories sa mga konsyumer.

Ayon kay Tayag, pwedeng magkaroon ng rotation sa pangunahing pangangailangan sa pagkain dahil napatunayan na ito sa nagdaang mga panahon.

Sinabi ng mga health expert na ang kamote o sweet potato ay mas mahusay na pinagkukunan ng carbohydrates para sa enerhiya kumpara sa kanin dahil ito ay mataas sa fiber at mayroon itong iba pang sustansya na panlaban sa kanser.

Hindi rin nagiging asukal ang kamote na sanhi ng diabetes, hindi katulad ng bigas.

Una rito, sinabi ng National Economic and Development Authority na may sapat na suplay ng bigas ang bansa hanggang sa katapusan ng taon ngunit tumataas ang presyo ng bigas nitong mga nakaraang linggo.

Dagdag pa, ang pinaigting na El Niño phenomenon ay inaasahang magreresulta sa below-normal rainfall sa pagtatapos ng taon na maaaring makaapekto sa produksyon ng palay.

Sa ilalim ng Executive Order 39, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P41 kada kilong price ceiling para sa regular milled rice at P45 kada kilong price cap para sa well-milled rice. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleEconomic ties paiigtingin ng PH, UAE
Next article2 timbog sa ₱1.1M shabu

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here