Home METRO DOH: Leptospirosis cases sa Davao region tumaas

DOH: Leptospirosis cases sa Davao region tumaas

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pagkabahala ang mga biktima ng matinding pagbaha sa Davao Region matapos tumaas ang kaso ng leptospirosis, ayon sa Department of Health-Davao (DOH-11).

Sinabi ng DOH-11 na ang kaso ng leptospirosis sa rehiyon ay tumaas noong Enero 2024 kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Mula Enero 1 hanggang 27, ang DOH-11 ay nakapagtala ng 34 mga kaso ng leptospirosis na may dalawang pagkamatay na 48 porsyentong mataas kumpara sa 23 kaso na naitala noong 2023.

Pinakamaraming naitalang kaso sa Davao de Oro na sinundan ng Davao del Norte. Ang nabanggit na mga probinsya ang matinding tinamaan ng kamakailang pagbaha at mga landslide.

Binalaan ng mga eksperto sa kalusugan ang publiko laban sa pagtampisaw sa mga baha lalo na kapag may sugat. Ayon kay DOH RESU Head Dr. Rachel Pasion, kung kinakailangan ay magsuot ng protective gears gaya ng boots, gloves at suits.

Hinimok din ng DOH-11 ang mga lubog sa baha na kumuha ng gamot para sa anti-leptospirosis sa kanilang health centers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCatriona, pabor sa pagsali ni Joyce sa MUP at 69!
Next articleTop 5 cybercrimes sa Pinas alamin