MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan ang paglabas ng bahay tuwing tanghalin tapat upang maiwasan ang heat stroke ngayong panahon ng El NiƱo o tag-init.
Payo ng DOH, maaring gawin ito tuwing umaga at dapithapon, uminom ng maraming tubig para manatiling hydrated.
Magsuot din ng light clothing o malamig sa katawan para maiwasang mainitan .
Mainam din na kumain ng matubig na prutas upang maibsan ang pagkauhaw at gumamit din ng sunblock .
Maghinay-hinayvsa strenuous sports at ugaliin din ang health break para hindi tuloy-tuloy ang pagbilad sa araw para labanan ang matinding init ng panahon at iwas na rin sa posibleng heat stroke lalo na ang mga nagtatrabaho sa labas.
Partikular na pinag-iingat ni DOH spokesperson Usec .Eric Tayag ang mga vulnerable at mga senior citizens pag mainit ang panahon dahil iba na aniya ang pag-regulate nila ng temperatura.
Bukod sa heat stroke, nagpaalala din ang DOH sa iba pang uri ng sakit ngayong napakainit na panahon .
Sinabi ng DOH na nakikipag-ugnayan na ito sa iba pang ahensya ng gobyerno bilang paghahanda sa El NiƱo upang tiyakin ang sapat na suplay ng kuryente sa mga ospital gayundin ang sapat na suplay ng tubig.
Ayon kay Tayag kung kukulangin talaga ng suplay ay dapat may plano sila na tuloy-tuloy ang serbisyo nila at hindi malalagay sa panganib dahil sa kawalan ng tubig at kuryente .
Pinag-iingat din ng DOH ang publiko laban sa sakit na nakukuha tuwing El NiƱa o matindi ang ulan nagdudulot ng mga pagbaha.
Ilan sa mga sakit na nakukuha sa matinding ulan ay diarrhea, dengue, leptospirosis, cholera at trangakso.
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na mainam na pakuluan ang inuming tubig .
Maari ding magtungo sa mga health center para sa libreng bakuna kontra influenza lalo na para sa mga senior citizen. Jocelyn Tabangcura-Domenden