Home NATIONWIDE DOH muling nanawagan sa senior citizens: Magpa-booster na!

DOH muling nanawagan sa senior citizens: Magpa-booster na!

297
0

MANILA, Philippines – Muling iginiit ng Department of Health (DOH) ang urgency o labis na pangangailangan para sa mga senior citizen (A2) at persons with comorbidities (A3) na magpa-booster shots laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Iginiit ni Dr. Divine Agustin, DOH Disease Prevention and Control Bureau-Evidence Generation and Management Section officer-in-charge, annual convention of the Philippine Heart Association (PHA) at Edsa Shangri-La in Mandaluyong City na ang nasabing grupo ay nanatiling mga vulnerable na tumaas ang peligro ng pagkakaospital at pagkamatay.

Sinabi ni Agustin sa paglipas ng panahon, natural na binabawasan ng immune response ng katawan ang paglikha ng mga antibodies kaya naman kailangan paatasin ulit upang magkaroon uli ng proteksyon.

Binanggit ng DOH na kabilang sa may comorbidities , 59.2 percent ay hindi pa nakatanggap ng booster.

Hinikayat din nito ang publiko na samantalahin ang programa ng gobyerno sa kabila ng pag-alis sa global public health emergency para sa Covid-19.

Ayon kay Agustin ,kabilang sa mga lubhang madaling kapitan ay ang mga may cardiovascular disease (CVD).

Ang CVD ay nananatiling isa sa mga pangunahing priyoridad ng DOH, kung isasaalang-alang na ang pakikipag-ugnayan nito sa Covid-19 ay nagpapataas ng panganib ng kamatayan ng 2.75 porsyento.

Maliban sa kampanya ng pagbabakuna, inulit din ng DOH ang pitong healthy habits campaign nito upang itaguyod ang malusog na puso para sa mga Pilipino — pataasin ang mobility kasabay ng balanseng diyeta; mapanatili ang kalinisan at pagpapanatili; magpabakuna; umiwas sa paninigarilyo at paggamit ng ilegal na droga, at bawasan ang pag-inom ng alak; pangalagaan ang sarili at ang iba; magsanay ng ligtas na pakikipagtalik; at itaguyod ang kaligtasan.

Samantala, muling tiniyak ng mga health expert sa publiko na ang benepisyo ng bakuna at booster shots ay higit na mas malaki kaysa sa kanilang mga panganib, kahit na laban sa panganib ng myocarditis

Sa huli, hinikayat ng DOH ang publiko na maging vigilant laban sa pekeng impormasyon na kumakalat online. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePanukala vs sexual orientation, gender discrimination umusad na sa Kamara
Next articleDA: Pag-angkat ng asukal sa piling importers, utos mismo ni PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here