MANILA, Philippines- Inilabas ng Department of Health (DOH) ang updated vaccine certificate guidelines para sa inbound at outbound travelers.
Sinabi ng DOH na hindi na rekisitos ang pagpresenta ng vaccination status at vaccination certificate para sa COVID-19 para sa international arrivals.
“All arriving international travelers are accepted regardless of their vaccination status,” anito.
Samantala, hinikayat ng DOH ang departing international travelers na alamin ang vaccine certificate requirements ng pupuntahan nilang bansa.
Para sa overseas Filipino workers at seafarers, binanggit ng DOH noted na ang pag-isyu ng International Certificate of Vaccination for Prophylaxis for Yellow Fever Vaccine at iba pang bakuna ay depende sa rekisitos ng kanilang ahensya o kompanya. RNT/SA