Home NATIONWIDE DOH nagbabala sa rabbies ngayong tag-init

DOH nagbabala sa rabbies ngayong tag-init

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na mag-ingat laban sa prevalent health issues sa panahon ng summer kabilang ang rabies infection na maaaring makamatay kapag hindi agad nagamot.

Sinabi ni Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH na ang pagkagat ng mga aso na posibleng nahawahan ng rabies ay kabilang sa mga karaniwang isyu sa kalusugan tuwing tag-araw bukod sa sunburn, sore eyes, ubo at sipon, gastrointestinal issues, at mga sakit sa balat.

Ayon kay Tayag, nasa 84 ang namatay sa rabies ngayong taon kumpara sa 82 noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Tayag, gumagapang ang rabies ng one inch per day hanggang sa makapunta sa utak.

Matapos ang ilang buwan o taon, magkakaroon ng hydrophobia o natatakot sa tubig ang biktima.

Maaaring nakakakilala pa ito ngunit kalaunan ay hindi na, at kadalasan ay kailangang itali ang pasyente dahil sa pagiging marahas.

Payo ng DOH, hugasan agad ng tubig at sabon ang kagat ng aso dahil ang laway ng na-ulol na aso ay naroon ang rabies at kapag nahugasan ay marami nang matatanggal perto kailangan pa rin aniyang pagpatingin sa center.

Pinaalalahanan din ni Tayag ang mga pet owners na pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa laban sa virus at gumamit ng tali kapag mamasyal o maglalakad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleLegal na paraan sa political asylum pinag-aaralan ng kampo ni Teves
Next articlePutin nangakong gaganti sa Moscow concert hall attack