Home NATIONWIDE DOH nagbabala sa sirit-kaso ng leptospirosis kasunod ng pagbaha sa Luzon

DOH nagbabala sa sirit-kaso ng leptospirosis kasunod ng pagbaha sa Luzon

233
0

MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa government hospitals sa buong bansa na may sapat na suplay ng gamot para sa posibleng pagsirit ng kaso ng leptospirosis sa mga binahang lugar tulad ng Bulacan at Pampanga.

Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na inaasahan nilang tataas ang leptospirosis infection ngayong ang mga Pilipino ay nakaranas ng habagat at bagyong Egay at Falcon.

Binanggit ng kalihim na may ‘open wounds’ na lumubog sa baha ns may mas mataas na tsansa ng pagkakaroon ng leptospirosis. Dahil dito, pinayuhan niya ang mga may sintomas tulad ng panginginig, pananakit ng katawan, at sakit ng ulo na magpatingin kaagad sa doktor

Sa inaasahang posibleng pagtaas ng kaso ng leptospirosis, sinabi ni Herbosa na ang DOH ay nagpadala na ng antibiotics sa Ilocos bago tumama ang bagyong Egay sa rehiyon.

Mayroon din aniyang sapat na stock ng doxycycline sa Central Luzon.

Sinabi rin ni Herbosa na ang sintomas ng leptospirosis ay madalas nagpapakita isa o dalawang linggo pagkatapos ang pagbaha sa mga lugar.

Ang bacteria na nagdudulot ng sakit ay karaniwang nagmumula sa ihi ng daga na maaaring humalo sa tubig baha dulot ng malakas na pag-ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDOH chief oks sa medical marijuana
Next articleCCG: PH boats ‘iligal’ na pumasok sa S. China Sea

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here