Home NATIONWIDE DOH nagpaalala: Mga paputok ‘di laruan

DOH nagpaalala: Mga paputok ‘di laruan

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) noong Miyerkules ang mga publiko na ang paputok ay hindi laruan o bagay na pinaglalaruan makaraang iulat ang bagong kaso ng paputokan na sangkot ang dalawang kabataan na nawalan ng mga daliri.

Sa pinakahuling case bulletin , naitala ng DOH ang 23 karagdagang fireworks-related injuries (FWRI) na mula 6 hanggang 55 taong gulang na karamihan ay mga lalaki, mula Dis.21 hanggang 27.

Ayon sa DOH , ang bagong mga kaso ay kabilang ang dalawang bagong amputations na parehong dahil sa illegal na Pla-Pla na sinindihan ng mga kabataang lalaki.

“One amputation case yesterday was misreported, hence the total number of amputations this season is now six,” sabi ng DOH.

Sa kasalukuyang , umabot na sa 75 at nasa 96 percent ang nangyari sa bahay at sa mga kalye.

Sa ilalim ng listahan ng Philippine National Police, ang mga ipinagbabawal na firecrackers o paputok ay ang Watusi, Piccolo, Poppop, Five Star, Pla-pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb, Super Lolo, Atomic Triangle, Goodbye Bading, Large-size Judas Belt, Goodbye Philippines, Goodbye Delima, Bin Laden, Hello Columbia, Mother Rockets, Goodbye Napoles, Coke-in-Can, Super Yolanda, Pillbox, Mother Rockets, Boga, Kwiton, Kabasi, all overweight and oversized firecrackers and pyrotechnic devices (FCPD), lahat ng imported finished products, ibang unlabelled locally made FCPD products, at iba pang uri ng firecrackers na may ibang brands o pangalan na katumbas sa mga ipinagbabawal.

Karamihan sa mga kaso ng fireworks-related injuries ay mula National Capital Region na may 30 o 40 percent ng kabuuan; Central Luzon na may 9 o 12 percent, at ang Ilocos Region na may 6 o 8 percent.

Kaugnay nito, nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa local government units.

(LGUs) na mahigpit na ipatupad ang ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng illegal firecrackers upang maiwasan ang injuries sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Hinimok naman ni Col. Jay Guillermo, hepe ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group’s Cyber Response unit, ang publiko na huwag bumili ng paputok na ibinibenta online.

Umapela naman si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga residente ng Maynila na gumamit ng mas ligtas na paraan upang magdiwang ng New Year.

Hinimok din ni Lacuna ang mga barangay na magtalaga ng common fireworks display areas kung saan maaring makapanood ang mga residente ng ligats at kontroladong kapaligiran. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleAgri group pumalag sa pinalawig na tapyas-taripa sa imported baboy, mais, at bigas
Next articlePagbagsak ng China rocket debris ibinabala ng PhilSa