Home NATIONWIDE DOH nakapagtala ng 122 dagdag-kaso ng COVID sa Pinas

DOH nakapagtala ng 122 dagdag-kaso ng COVID sa Pinas

MANILA, Philippines- Naitala sa Pilipinas ang 122 bagong COVID-19 infections nitong Huwebes, na nagdala sa nationwide caseload sa 4,108,770.

Batay sa datos ng Department of Health, mayroong 3,055 active cases sa bansa. Umakyat naman ang total recoveries sa 4,039,061.

Nananatili ang death toll sa 66,654 nitong Huwebes.

Ang NCR ang may pinkamaraming kaso sa 397, sinundan ng Calabarzon sa 227, Central Luzon sa 182, Davao Region sa 125, at Western Visayas sa 96 cases.

Samantala, may kabuuang 3,719 indibidwal ang sinuri hanggang nitong August 16 sa ilalim ng 302 testing labs.

Ang bed occupancy ay 13.6% kung saan 3,091 ang okupado habang 19,711 ang bakante. RNT/SA

Previous articleHabagat, LPA trough iiral sa bansa
Next articleSilencer, mga bala buking sa sinalakay na POGO