MANILA, Philippines- Naiulat ng Department of Health nitong Linggo ang 1,272 bagong COVID-19 cases, pinakamababa sa loob ng limang araw na nagdala sa kabuuang kaso sa Pilipinas sa 4,148,401.
Batay sa COVID-19 tracker, bumaba ang aktibong kaso sa 13,808, pinakamababa sa loob ng 25 araw matapos ang 23 sunod na araw ng mahigit 14,000 aktibong kaso, base sa ulat.
Umakyat naman ang bilang ng mga gumaling sa 4,068,117, habang nananatili ang death toll sa 66,476.
Nanguna naman ang National Capital Region sa mga rehiyon na may pinkamaraming bagong COVID-19 sa nakalipas na 14 araw sa 6,279, sinundan ng Calabarzon sa 4,316; Central Luzon sa 2,419; Western Visayas sa 1,551; at Cagayan Valley sa 926.
Ang COVID-19 bed occupancy naman ay 20.9% kung saan 5,293 ang okupado habang 19,982 ang bakante. RNT/SA