MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 145 bagong COVID-19 infections, habang tumaas ang bilang ng aktibong kaso sa 9,617.
Ayon sa DOH, ang COVID-19 tally ng bansa ay kasalukuyang nasa 4,073,504, habang ang aktibong impeksyon ay tumaas mula 9,604 nitong Miyerkules.
Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region sa 688, Calabarzon sa 335, Western Visayas sa 221, Davao Region sa 208, at Central Luzon sa 160.
Tumaas ng 29 kaso ang recovery tally sa 3,998,077, habang nakapagtala ng walong nasawi dahilan para umakyat ang death toll sa 65,810.
Umabot naman sa 10,608 indibidwal ang na-test, habang 328 testing laboratories ang nagsumite ng datos hanggang nitong Huwebes.
Nananatili ang bed occupancy sa bansa sa 17.9% na may hindi bababa sa 4,800 beds na okupado at 22,022 na bakante hanggang nitong Martes. RNT/SA