Home NATIONWIDE DOH nakapagtala ng 1,854 dagdag-kaso ng COVID

DOH nakapagtala ng 1,854 dagdag-kaso ng COVID

348
0

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas nitong Huwebes ng 1,854 bagong COVID-19 infections, na nagdala sa active cases sa 16,482.

Ito ang ikalawang sunod na araw ng pagtaas ng mga kaso matapos makapag-ulat ang DOH ng 1,593 bagong kaso nitong Miyerkules. Ito rin ang ika-14 sunod na araw na lampas ang bilang ng aktibong kaso sa 15,000.

Samantala, sa karagdagang kaso, umabot na ang caseload ng bansa sa 4,133,644.

Nauna nang nakapag-ulat ang DOH a17 karagdagang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBB.1.16 o “Arcturus” batay sa pinakabagong biosurveillance report. Dinala nito ang kabuuang Arcturus caseload sa 28.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nakapagtala sa National Capital Region (NCR) ng pinakamaraming impeksyon sa 9,293, sinundan ng Calabarzon sa 5,586, Central Luzon sa 2,179, Western Visayas sa 1,474, at Bicol Region sa 895.

Samantala, pumalo na ang recovery tally ng bansa sa 4,050,696, habang nananatili ang death toll sa 66,466.

Nauna nang sinabi ng DOH na may kabuuang 8,343 indibidwal ang sinuri, habang 319 testing laboratories ang nagsumite ng datos hanggang nitong Miyerkules.

Samantala, nananatili ang bed occupancy sa 22.2%, kung saan hindi bababa sa 5,680 beds ang okupado at 19,926 ang bakante. RNT/SA

Previous articleBITAY LABAN SA MGA SANGKOT SA DROGA
Next articleItbayat, Batanes niyanig ng M-5.3 quake

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here