Home HOME BANNER STORY DOH nakapagtala ng 4 fireworks-related injuries ngayong holiday season

DOH nakapagtala ng 4 fireworks-related injuries ngayong holiday season

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health na naitala nila ang unang apat na kaso ng fireworks-related injuries ngayong holiday season.

Sa Day 1 alert laban sa mga illegal na paputok, nagpaalala ang DOH sa epekto ng mga illegal na paputok katulad ng boga, 5-star at piccolo.

“We must stand firm to eradicate the use of illegal fireworks. Our laws are there to protect against illegal fireworks. We should all protect our communities. Dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga, we must unite to prevent injury and death due to fireworks,” saad sa pahayag.

Nanawagan din ang DOH sa law enforcement at traders na palakasin ang kanilang paglaban sa illegal fireworks, kasabay ng panawagan sa lokal na pamahalaan na mag-organisa ng controlled fireworks display para maiwasan ang illegal fireworks.

Noong 2022, naitala ng DOH ang 277 fireworks-related injuries mula Disyembre 21, 2022 hanggang Enero 4, 2023, na 49% mas mataas sa rekord ng nakalipas na taon na karamihan sa mga kaso ay mula sa National Capital Region.

Noong Lunes, matatandaan na nanawagan si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa complete ban sa mga paputok sa bansa.

“Marami naman tayong mga lungsod at mga munisipyo na mayroong ganito. Sana lahatin na natin. Kaya ako ay nananawagan sana naman magkaroon na tayo ng ganitong ordinansa,” ani Abalos.

“Anyway, kaya naman i-celebrate ang Bagong Taon nang maayos. Magkaroon ng fireworks display na lamang sa mga munisipyo sa isang lugar at maiwasan natin iyong ganitong disgrasya,” dagdag pa niya.

Samantala, dalawang insidente naman ng firework-related deaths ang naitala mula noong Nobyembre sa sumabog na pagawaan ng paputok sa Bocaue, at sumabog na trak na nagdadala ng fireworks sa Marikina.

Noong Disyembre 1, nasamsam ng pulisya ang bagong-gawang paputok na tinatawag na “Goodbye, Hamas” sa Bulacan. RNT/JGC

Previous articleBabaeng OFW na magpa-Pasko sa Pinas, patay sa saksak sa Antipolo
Next articlePBBM nakipagkita sa Filipino survivors ng Hamas attack sa Israel