MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas nitong Miyerkules ng 497 bagong COVID-19 cases, na nagdala sa nationwide caseload sa 4,160,651.
Batay sa pinakabagong tala ng Department of Health, bahagyang tumaas ang bilang ng aktibong kaso 8,275, habang pumalo na ang bilang ng mga gumaling sa 4,085,894.
Nananatili naman ang death toll sa 66,482.
Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) anh may pinakamaraming bilang ng impeksyon sa 2,221, sinundan ng Calabarzon sa 1,451, Central Luzon sa 1,417, Western Visayas sa 922, at Cagayan Valley sa 652.
Hanggang nitong Martes, 6,806 indibidwal ang sinuri, habang 314 testing labs ang nagsumite ng datos.
Nananatili naman ang COVID-19 bed occupancy sa 18.5%, kung saan 4,686 ang okupado habang 20,596 ang bakante.
Naiulat din ng DOH ang 80 karagdagang kaso ng iba’t ibang Omicron subvariants na nadiskubre sa bansa. RNT/SA