Home NATIONWIDE DOH nanawagan ng organ donations

DOH nanawagan ng organ donations

MANILA, Philippines- Umaasa ang Department of Health (DOH) na makakukuha ng mas maraming organ donation para matugunan ang dumaraming pasyente na nangangailangan ng life-saving transplants.

Sinabi ng DOH na  halos 300 pasyente ngayong Pebrero 2024 ang nahihintay para sa transplant, kung saan karamihan ay nangangailangan ng bagong kidney.

Ayon pa sa ahensya, ang chronic kidney disease (CKD) ay isa pa rin sa mga pangunahing nakamamatay na sakit sa Pilipinas.

Sa pinakahuling pagtataya, makikita na humigit-kumulang 2.3 milyong Pilipino ang may CKD, ayon kay National Kidney and Transplant Coordinator Chief Dr. Peter Paul Plegaria.

Sinabi ng DOH na nagkakahalaga ang isang organ transplant mula P1.2 hanggang P1.7 milyon, ngunit makatutulong ang gobyerno na mapababa ang singil.

Ayon kay DOH Public Health Unit Head Dr. Maria Angeles Marbella, mayroon silang PhilHealth C package kung saan ang pasyente ay makatatangap ng P600,000.

Dagdag pa ng DOH, namamahagi sila ng cards upang mapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa kidney transplants at kung paano maging donor ang mga interesado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleProyektong iginawad sa Miru binubusisi ng poll watchdog
Next articleVP Sara nakiisa sa anibersaryo ng People Power