Home NATIONWIDE DOH: Nipah virus, wala pa sa Pinas

DOH: Nipah virus, wala pa sa Pinas

MANILA, Philippines- Wala pang kaso ng ‘Nipah virus’sa bansa. Ito ang paglilinaw ng Deparment of Health (DOH) kasabay ng pagpawi sa pangamba ng publiko na umabot na ito sa Pilipnas sa gitna ng flu-like illnesses na iniulat sa ilang bahagi ng Cagayan de Oro.

“There are no Nipah virus cases in the nation tulad ng kumakalat na dahilan ng senyales at sintomas na nararanasan ng mga resdente sa Cagayan de Oro ay ang Nipah virus,” ayon sa DOH.

Base sa DOH, bagamat’ may mga pagkakataon na ang mga estudyante at faculty sa Cagayan de Oro ay nagkakaroon ng senyales at sintomas ng viral illness, hindi pa ito malinaw kung anong partikular na virus ang dapat sisihin.

Ayon sa DOH, ang mga senyales at sintomas ng naturang virus ay kahalintulad sa iba pang viral infections.

Ang Nipah virus ayon sa DOH central office ay isang zoonic virus na maaring kumalat sa pagitan ng hayop at tao.

Kabilang sa mga inisyal na sintomas ng virus ang lagnat, pananakit ng ulo, muscle pain, pagsusuka at sore throat. Maaari rin itong magresulta ng encephalitis o pamamaga ng utak at maaring ikamatay.

Sinabi ng DOH na nagtatag ito ng survellaince system upang masubaybayan ang posibleng mga kaso.

Noong Setyembre 27,naglabas ng executive order si CDO Mayor Rolando Uy at sinabi na mayroong kamakailangang pagtaas ng fever/flu-like illness sa mga eskwelahan at ilang barangay sa buong lungsod. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleUnang silver, 2 tanso nasungkit ng PH wushu sa Asian Games
Next article4 pinuno ng Socorro ‘cult’ ipinaditine sa Senado