Home HOME BANNER STORY DOH oks sa ‘medical marijuana’

DOH oks sa ‘medical marijuana’

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Health (DOH) ang pagsasa-legal sa marijuana para sa ‘medical use’.

Gayunpaman, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa, na tinututulan ng ahensya ang cannabis para sa recreational use at pagtatanim ng halaman.

“On medical marijuana, my personal position, and I guess now the Department of Health’s position, is that we are supportive of bills that will legalize medical use or medical indication of marijuana,” sabi ni Herbosa sa isang forum nitong Biyernes.

Sinabi ni Herbosa na sinusuportahan niya ang mga produkto na alinman sa mga inhaled substance o mga langis na gawa sa manufactured cannabis.

Aniya maraming mga peer-reviewed na pag-aaral ang sumuporta sa medikal na paggamit ng marijuana para sa ilang mga pasyente kabilang ang mga nakikipaglaban sa kanser.

Ayon kay Herbosa, marami na sa bansa ang gumagamit nito medically ngunit ito aniya ay mga kaso na may Compassionate Use Permit matapos ang masusing proseso.

Ang House Bill 6783, na inihain noong Enero, ay nagmumungkahi na alisin ang marijuana at anumang anyo nito o derivative mula sa listahan ng mga mapanganib na droga at substance.

Ang marijuana ay nananatiling isang ilegal, mapanganib na gamot kahit na inalis ng komisyon ng United Nations ang cannabis mula sa listahan ng mga pinaka-mapanganib na narcotics. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleP35 taas-sahod sa Caraga aprubado na
Next article4 senador plus Coco, sanib-puwera sa MMFF 2024!