Home NATIONWIDE DOH: Pagsirit ng respiratory illnesses sa Tsina ‘di dapat ikabahala

DOH: Pagsirit ng respiratory illnesses sa Tsina ‘di dapat ikabahala

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na walang “evidence of novel pathogens” o bagong infectious disease kasunod ng pagsirit ng respiratory illnesses sa mga bata sa northern China mula kalagitnaan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Batay sa China National Health Commission, sinabi ng DOH na ang mitsa ng pagdami ng naitatalang respiratory illnesses ay dahil sa pagkalos ng COVID-19 restrictions at pagsisimula ng cold season.

“Despite media narratives on pneumonia clusters, there is no evidence of novel pathogens or atypical clinical presentations,” anang DOH.

“The DOH reiterates that there is no need for alarm; the government prioritizes the safety of the Filipino people,” dagdag nito.

Kinumpirma ng Chinese officials nitong nakaraang linggo na naobserbahan ang pagtaas ng bilang ng mga pagkakasakit ng Mycoplasma pneumoniae pneumonia, isang karaniwang impeksyon na madalas nakaaapekto sa mga bata.

Samantala, pinuri ng DOH ang China para sa “heightened surveillance” nito, at sinabi pang nakikipag-ugnayan ito sa iba pang international health authorities para makakalap ng sapat na datos sa pag-monitor sa mga kaso.

Hinikayat naman nito ang publiko na gumamit ng mask bilang proteksyon sa sakit. RNT/SA

Previous articleTagumpay ng Sambo ibibida sa TOPS
Next articlePag-IBIG Calamity Loan ready for members affected by Mindanao Quake and Eastern Visayas Floods