Home NATIONWIDE DOH: Palawan tanging lalawigan sa Pinas na may kaso ng malaria

DOH: Palawan tanging lalawigan sa Pinas na may kaso ng malaria

105
0

MANILA, Philippines- Wala nang mlaria sa 80 sa 81 probinsya sa Pilipinas kung saan ang Palawan ang tanging lalawigan kung saan natukoy ang mga kaso ng malaria sa nakalipas na ilang taon.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Martes na karamihan sa probinsya ay nagdeklara ng malaria-free simula 1995 , kasama ang Cebu,Bohol at Catanduanes na na-tagged bilang “malaria-free historically.”

Taong 2022 naman nang ideklarang malaria-free ang Oriental Mindoro, Rizal, Aurora, at Cotabato.

Paliwanag ni Vergeire, na ang criteria ng malaria-free na mga probinsya ay walang local transmission ng malaria para sa nagdaang limang taon.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa local government ng Palawan at ang pribadong sektor upang maging Palawan malaria-free.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang malaria ay isang “life-threatening disease dulot ng parasites na naisasalin sa tao sa pamamagitan ng mga kagat ng infected female Anopheles mosquitos.

Hindi bababa sa 247 milyong kaso ng malaria sa buong mundo ang naitala noong 2021, kung saan 619,000 biktima ang namamatay mula sa sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleGymnast Yulo, pinarangalan sa Senado
Next articleGM Laylo kampeon sa National Open chess