Home HOME BANNER STORY DOH sa COVID patients: Mag-isolate pa rin

DOH sa COVID patients: Mag-isolate pa rin

221
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na dapat patuloy na mag-isolate ang mga COVID patient kahit pa natanggal na ang public health emergency para sa COVID-19 pandemic.

Sa isang Department Circular na may petsang Hulyo 23, idinetalye ng DOH ang updated nitong isolation at mask rules para sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ayon sa DOH, kinakailangan ang home isolation ng limang araw para sa mga taong positibo sa naturang sakit, mayroon man o walang sintomas.

Ngunit maaari nilang tapusin ang isolation kung sila ay “walang lagnat nang hindi bababa sa 24 na oras” nang hindi gumagamit ng gamot tulad ng paracetamol.

Para sa mga severe COVID infections, kailangan ang isolation 10 araw mula magsimula ang sintomas.

Ayon sa bagong protocol, ang lahat ng mga positibong kaso ng COVID-19 ay dapat magsuot ng well-fitted mask sa loob ng 10 araw.

Hindi na kailangang i-quarantine ang mga taong hindi nagpapakita ng mga sintomas at nagkaroon ng exposure sa isang indibidwal na positibo sa COVID. Gayunpaman, dapat pa rin silang magsuot ng mask sa loob ng 10 araw.

Sa pampublikong transportasyon, sinabi ng DOH na ang pagsusuot ng masks ay hindi na mandatory ngunit hindi ipinagbabawal, lalo ang mga nais protektahan ang kanilang sarili at iba mula sa COVID-19 o ibang respiratory infections.

Inirerekomenda pa rin ng DOH ang pagsusuot ng mask sa matataong lugar o poorly ventilated spaces lalo na sa mga nakatatanda, immunocompromised, mga indibidwal na may underlying conditions, mga buntis, unvaccinated, at symptomatic individuals.

Bagama’t hindi na mandatory, inirekomenda pa rin ng DOH ang patuloy na paggamit ng face mask sa mga pasilidad ng kalusugan upang maprotektahan ang mga mahihinang pasyente at mabawasan ang posibilidad ng impeksyon.

Ngayong buwan, tinapos ng Pilipinas ang COVID-19 public health emergency status nito, dahil sa patuloy na pagbabakuna at pagbaba ng mga kaso ng COVID. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleWebsite sa pag-track sa unclaimed replacement plates, inilunsad ng DOTr!
Next articleKelvin, nilaglag ang direktor!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here