Home NATIONWIDE DOH sa mga Christmas party: Umiwas sa matamis, maalat

DOH sa mga Christmas party: Umiwas sa matamis, maalat

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Health Department sa publiko nitong Biyernes, Disyembre 22, na iwasan ang pagkain ng mga matatamis at maalat sa mga Christmas party at family reunion ngayong holiday season.

“Ang Kagawaran ng Kalusugan ay naglabas ng mga paalala para hindi tayo malagay sa alanganin pagdating sa mga kakainin natin sa mga party,” pahayag ni Health Undersecretary Dr. Eric Tayag sa panayam ng GMA News.

Nagbabala rin si Tayag sa pagkain ng sobra-sobra na maaaring magdulot ng health issues.

“Bago po magumpisa at buffet ang handaan, pumili lang kayo ng tatlo na gusto niyong kainin. Pag nilagay sa pinggan, portions lang po,” ani Tayag.

Nagbabala ang opisyal sa pagkain ng sobrang matamis o sobrang maalat.

“Umiwas sa mga pagkaing “Ma” —matamis, maalat, mamantika,” pagdidiin ni Tayag.

Nagbigay din ito ng tips upang makaiwas sa sobra-sobrang pagkain sa mga party.

“Kung maari lamang kung kayo ay may maisusubo na po na kahit konting pagkain bago umalis ng bahay makakatulong po ‘yan para maiwasan ang takaw mata,” ayon sa DOH Undersecretary.

“Siyempre, iiwas tayo sa mga matatamis na inumin, pati sa heavy alcohol drinks,” dagdag ni Tayag.

Aniya, mas mainam na magkwentuhan para maiwasan ang pagkain ng sobra-sobra.

Samantala, nag-abiso rin si Tayag sa publiko na magsuot ng face masks hangga’t maaari dahil na rin sa tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

“Kung hindi sigurado, pagsusuot ng mask, pag kumain na lang tsaka tatanggalin eto. Maganda sana kung open space para maganda ang ventilation,” ayon kay Tayag.

“At siyempre kung magkakaron tayo ng simtomas after the party, magpatest tay para malaman natin kung ano ‘yung sakit na nakuha natin,” dagdag niya.

Siniguro naman niya na handa ang mga ospital sa posibilidad ng health emergencies ngayong holiday season.

“Nakaantabay naman ang mga ospital sa anumang kailangan pagkalusugan ng mga kababayan natin ngayong kapaskuhan,” pagtatapos niya. RNT/JGC

Previous articleDaloy ng trapiko sa mga expressway bibigat na ngayong hapon
Next articleMalacañang bukas sa mga dadalaw sa Pasko